Saranggola
By: Sy Rine
Ikaw nawa'y binasbasan ng Poong May-awa
Na gabayan ka sana saan ka man magpunta
Ngunit tali mo'y hindi hihiwalay sa kanya.
Lipad, lipad matayog na saranggola
Inililihis man ng landas huwag mag-alala
Kasingtibay ka ng isang punong Narra
Anumang unos ay iyong makakaya
Lipad, lipad matayog na saranggola
Abutin ang mga ulap o maging ang langit pa
Kakaiba mong katangian, kahangahanga sa iba
Ngayo'y ika'y titingalain ng maraming madla.

No comments:
Post a Comment